Happy Birthday, Marce Jade!

Sunday Mar 21, 2010

Shempre, di na ‘to surprise sayo. Next time isip naman tayo bago pakulo. Maganda siguro yung vacation tour sa Palawan para sa susunod na magbe-birthday hehe.

Nung una kong makita ‘tong si Jade sa internet, way back 2008 ata yun dahil sa isang blog contest (isa sya sa sponsor), kala ko ang suplada naman nito, pero galante ha. Parang twenty dolars ata ang ni-sponsor nya eh. Tapos ang gara pa ng dating ng avatar, pati ung pangalan ng blog nya, PinayJade in Singapore. Sabi ko, shet. Di ko sya ma-reach.

Pinakilala sya sakin ni Pehpot (si pehpot na naman?), mga late last year siguro (shet di ako marunong magtagalog). Di ko din akalain na magiging close kame. (Ay, feeling close lang ata hwek hwek). ‘Yong kaibigan na hindi mo na kelangan mag-hi or excuse pag may sasabihin ka. Bigla ka lang magsasalita na, “may opps ka?” o kahit anong kwento na pumasok sa isip mo.

Madalas kame mag abot sa umaga noon. Para kameng classmates o officemates. Pag alas diyes na at kaka-online ko lang, sabihin nya, “o late ka.” Kaso alam nyo naman ako eh bampira kaya umikot na naman ang oras ko at ayun di na kame nagkikita ng madalas online. Pero tuwing magkakakaabot kame, madalas ang tema ng pinaguusapan namin… pano kumita ng pera. Bwahahaha! Mukha kameng pera. Bwahahaha

Pero kahit ganon, di ko pa din sya ma-reach. Bilib ako sa babaeng to. Daming alam na salita. Dami din alam lutuin. Ang dami din alam na negosyo. Oo, hindi lang sya blogger, writer, translator. Isa syang tindera. Tindera ng mga Kwintas na Perlas. O diba? Mamahalin itech. Kaya nagulat talaga ako at ka-marce ko na sya ngayon. I’m so proud. woooot!

O tama na ang mahabang explanasyon. Para sayo, Marce Jade ang wish ko lang eh makinig ka sa’kin. Sabi sayo, wag ka pahalata na gusto mo magkaanak. Tingnan mo, kung sino yung hindi ready eh un ang nagkakaanak. Tingnan mo si Peh. Lahat ng anak nyan eh aksidente. Sshh.. censored natin to baka mabasa ng mga bata. Hehehe

Alam ko yun nalang ang inaasam asam mo at pwede ka na mamatay.. eh este.. di ka pa pala pwede mamatay, pano mo nga naman aalagaan ang mga supling mo. hehe. Basta kahit di ako relihisyoso, naniniwala ako na kung para sayo, para sayo. At kung hindi man dumating ang inaasam mo, eh cool ka lang. Baka bigla kang tumalon sa bangin eh este imburnal. (ano ber. di ako marunong magtagalog!). Eew.. wag, mabantot dun. Sa Niagra Falls na lang para mejo susyal. Bleh!

Eto bwisit nyo na lang mga blogs nya at nang matuwa sya. Pramis, matutuwa din kayo. Anim lang to sa milyon libo kinse nyang domains. Bwahaha

{ 7 comments… read them below or add one }

Jade March 21, 2010 at 6:07 pm

Hahahaha ang kulet nito pero na touch ako! I am so glad too that you are a part of my life! Siguro kung di ko kayo nakilala, baka nga tumalon na ako sa building dahil sa stress in getting knocked out.

Thanks sa gifts nyo sa akin at sa napaka kwelang post na ito.

Uy tagal na natin di nagka chat ha!!! magpakita ka naman!

Reply

niko March 21, 2010 at 6:16 pm

aliw naman ang bday greetings mo!! feeling ko nastress kang magtagalog :)

bukod sa di na to surprise, naglaro ako at nagpost ng bday greeting nung march 18 pa :D waaaaaaaah sinali ko pa si kaye lol hhahha

anyways, happy birthday marce! mwah mwah

akoy nag iimpake na ngaun :D as if mag aabroad lol

Reply

K March 23, 2010 at 10:54 pm

honga sinali mo pa ako sa kaadikan mo. bwaahaha! si ako naman adik din. mana-mana lang yan :P

Reply

Dee March 21, 2010 at 7:11 pm

Happy Birthday, Jade!:)

Hi, Fedhz! How are you? :) Take care!

Reply

K March 23, 2010 at 10:50 pm

taena haba. effort na effort. kapalit ba nito libreng stay sa hacienda ni donya jade? aba. dapat pala mahaba din ang post ko. hahaha! teka di ko pa nabasa lahat. basa muna :P

Reply

K March 23, 2010 at 10:59 pm

tawang -tawa ako grabe. nauutot ako sa katatawa pramis. anu ba yun sa tagalog ka na lng magblog para mas nakakatuwa adik! haha! kaya lng un nga lang walang opps.

honga. pansin ko rin. wala ng segue (segway sabi ni tanga) segue, derecho na.

“may opps sa payü a.”

“kaasar si *toot*. badtrip.”

“orgy tayo pagpunta namin jan”.

mga ganun. kalerkey.

hala. may contest? bat ako comment ng comment? bwahaha! makatulog na nga. naaadik ako lalo.

Reply

fedhz March 23, 2010 at 11:25 pm

may fans na naman ako. shet. popular na pala ako. bwahaha

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: